Monday, October 20, 2008

My Best Buddy

Oo na, pambata na ang title. Eh anu naman??
Eto, nagbukas na naman ako ng Microsoft word. Habang nagbubukas, hinuhukay ko na sa aking utak ang gusto kong isulat... Anu ba ang nasa isip ko ngayon?
Mali. Maling mali. Maling tanong.
Naisip ko si Randy, ang best bud kong mabilis na napalapit sa akin. Kasing lapit ng mata sa bibig.
Eto, best bud, para sayo to: …
Sabi ni mimi sa kanyang sarili: Mali ang tanong mong ‘anu ba ang nasa isip mo?’ Ang dapat daw ay ‘Anu ba ang nasa puso mo?’
Oo nga naman. Napaisip ako dun ha. Anu nga ba ang nasa puso ko sa mga oras na ito?
Ah, oo, ang masakit na pakiramdam nang sabay kaming magka mood swings ni Randy kanina habang magka-chat.
Oha, hindi ko alam kung anung meron sa kanya: Malamig. Tahimik. Madilim nang kaunti. Ibang-iba sa kahapong usapan na walang dead air sa cyber world. Hindi naubusan ng ikukwento sa isa’t-isa. Hindi naubusan ng mga pelikula na ila-line up kapag nag-ube na. Hindi naubusan ng mga tanong tungkol sa patuloy na pag-ikot ng mundo at ang hiwaga ng pagkakabalanse nito sa buhay ng tao.
Deep ba? Hindi rin.
Ang salitang “weh” ang nagpatigil saglit sa usapang todo ang kadramahan. Parang sinasampal ko daw siya tuwing nasasabi ko iyon.
Nakakalungkot. Nalungkot ako. At alam ko, mas malungkot siya.
Pasensiya na, best bud… Banat un na galing lang sa kung saan para may masabi lang.
Wala akong kamalay-malay, nasampal ko na pala siya. Sobra. Sobra akong nasaktan nang mga oras na iyon. Sabi ko pa naman sa aking sarili: Iingatan ko talaga ang pagkakaibigan namin ni Randy.
Pero eto, nasaktan ko siya. Anung klaseng kaibigan ba si Mimi?
Nag-sorry. Nag-ingles. Nag-sorry ulit. Ok daw. Wala daw iyon. Sigh. Oo. Sige.
Kinabukasan: Nagka-chat ulit. Oha. Expect na may “weh” na mauulit sa session na ito.
Sabi niya, “nlu2ngkot nga ako knina... kc kung di ako mkkpunta bukas e di n kita mkikita”
Mabilis na nagtype si mimi: “weh”
Oha. Oha eto nanaman ako. Di ko sinasadya. Gusto ko na talaga murahin ang sarili ko sa sobrang katangahan. Shit. Naulit nanaman.
Ang resulta? Mas malamig na Randy.
I’m sorry. Sobra. Kung pwede lang pumasok sa screen ng laptop na ito para lang makita siya sa kabilang dako ng ym na iyon. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad.
Oo na. Ang nasa isip mo ay maliit na bagay lang iyon. Bakit kami ganito? Di ko din alam.
Uh… naniniwala ako na maliliit na bagay lang ang tunay na nakakapagpasaya at nakakasakit sa isang tao.
Ay! Naman! Namimiss ko na siya… Gusto ko na tuloy siya makita. Hay… Sorry na best bud, okay? ...
Best Bud Randy.
Kung ipapadescribe siya saken sa mga sandaling ito, malamang, kakailanganin ko ng mahigit sa isang oras para lang makapag-isip ng tamang terms para sa kanya.
Sa tuwing tinatanong ko sa aking sarili kung sino si Randy, napakaraming imahe, mukha, memories at salita ang pumapasok sa isip ko kahit sandali pa lang kami nagkakasama.
Hindi siya ang tipikal na fine arts student (slow ang buhay niya sa campus), hindi rin siya ang tipikal na tahimik (dahil ang totoo marami siyang kwento sa katawan), hindi siya ang tipikal na mahilig sa musika (isa siyang taong nota), hindi siya ang tipikal na mahilig sa pelikula (isa siyang kritiko), hindi siya ang tipikal na anak (di ko masabi), hindi rin siya ang tipikal na kaibigan (isa siyang ‘best bud’), hindi siya ang tipikal na empleyado (dahil may iba pa siyang gusto), at higit sa lahat, hindi siya ang tipikal na nagmamahal o nagmahal o kung anu pang tawag niyo dun (dahil..uh..secret ko un!).
Naging malapit siya sa akin nang kasing bilis ng pag-apparate ni Harry Potter sa Book 6. Nagkape. Nag-usap. Nag-kwentuhan. Nag-ube. Nanuod ng pelikula. At nagpalitan ng mga impormasyon tungkol sa kanya-kanyang karanasan sa lugar kung saan ay itinuring naming “Ultimate Tambayan”. Baduy? Oo. Pero masaya.
Sana wala nang mood swings. Sana puro kwentuhan na lang. Okay? Okay! Ayos? Ayos! Cool? Cool!!!

No comments: